Thursday, October 30, 2008

Ang Lupet!

"HAHA..bwahahahahaha"
Totoo pala yung kasabihang "the best things that the world can offer are priceless" kasi tumingin ka lang sa paligid mo, makikita mo na ang mga bagay na tunay na mang "the best!". Yung tipong libreng libre lang ang lahat at parang nanood ka na ng Scary Movie, Disaster Movie at Shrek sa sobrang lupit! haha..
Speaking of movies, eto.. Siguro hindi man lahat, karamihan naman na sa mga tao ngayon maging anak man ni Ayala o ni Manong pedicab driver na sumasideline bilang contstruction worker sa construction sites ng Ayala Land ay tumatangkilik na rin ng mga pirated VCDs at DVDs? Wala kasing pinipiling uri ang mga ito ito eh, maging mahirap man o mayaman, lahat pantay pantay. Oh, bakit? Kasi sosyal na rin naman ang mga squatters ng kamaynilaan ah, may DVD player kaya sila kahit nangangayayat na dahil walang makain! nakaFlatron TV pa nga eh. Oo, may ganun talaga at nakikita ko sila, parati. Ironic noh? ewan ko ba.. Minsan di ko na rin maintindihan ang ating lipunan eh.
Ooops, lumalayo na yata ako sa usapan ah, haha..ayun, sobrang nakakatuwa kasi yung mga pirated movies ngayon lalo na yung mga may subtitles! Kasi naman, mura na nga ang mga ito, may libreng joke pa kahit suspense or horror movie ang pinapanood mo! haha, siguro alam mo na ang sinasabi ko noh? Yung kapag binasa mo yung subtitle na nagfaflash sa screen ng TV mo eh tiyak na mawawala ka sa daloy ng kwento. Hindi mo na alam kung tama pa ba ang naririnig mo mula sa audio kasi hindi ito tumutugma sa binabasa mo sa video. Yung tipong lahat ng words ay nakasynonyms at paraphrased! haha.
Karaniwang nagmumula ang mga piniratang kopya ng mga ito sa Tsina. Hindi naman sa panliliit sa mga kapatid nating mga Chinese, medyo differently-abled lang talaga sila when it comes to english (mahalaga kasi sa kanila ang kultura nila, hindi katulad dito sa Pilipinas na mas "in" ka kapag kultura ng mga dayuhan ang meron ka).
Ayan, uulitin ko.."the best things that the world can offer are priceless" ika nga. Di ba "laughter is the best medicine"? kaya naman masasabi kong "laughter is one of the best and priceless things the world can offer!"
Haha..bwahahaha.. natatawa lang talaga ako na medyo naiinis. haha. Kasi ba naman isa talagang malaking joke itong nabasa ko mula sa isang mouse trap sa bahay na binili nila kuya sa Divisoria. Syempre, tulad ng karamihan sa mga kalakal sa Divisoria, mula din ito sa China (hindi ko nga lang alam kung pati ang mouse trap na ito ay may melamine.haha)
Hindi naman sa pagyayabang., hindi din naman kasi ako kagalingan mag-english eh Nakakatawa at nakakainis kasi...haha, bas
ta! Basahin mo na lang yung nasa picture. I'm miserably and miserably dying na eh!haha..
Masakit sa ulo pero..still, THE BEST! ang lupet sa english, diba?

I'm back!

Maligayang pagbabalik sa akin!

Tuesday, August 5, 2008

Weak

For the weak to try to imitate the strong is courting destruction.

Monday, July 28, 2008

Bakit nga ba natunaw ang yelo ni Juday?

Pakibasa po nang malaman nyo ELECTRIC BILL natin! Bilib ako sa commercial ni Juday, biro mo naipaliwanag niya in 30 sec ang masalimuot na system loss na yan..:) Tama si Juday sa kanyang paliwanag ng system loss, pero kung tayo ang bibili ng yelo at ayaw talaga nating mabawasan ang yelong binili, siempre magdadala tayo ng styrofoam ice box o Coleman... Ang tawag diyan ay increase the efficiency.. Kung baga sa mga distribution utilities ayusin nila nang husto ang electrical network, pati na ang mga sub-station and step-down transformers para nago-operate sila sa maximum efficiencies. Kung lumang-luma na,palitan o di kaya imaintenance. Tapos, ireduce, at kung maaari ay alisin, ang mga administrative inefficiencies, tulad ng wrong meter readings, pilferage at kung ano ano pa... At alam ba ninyo na hindi lang meralco ang nagpapasa ng system loss? Pati ang TRANSCO na government owned at siyang nag me-maintain ng power grid. Balak ipasa or naipasa na ng TRANSCO ang 2.98% ng system loss nya sa Meralco.. at syempre kanino pa ba naman iyan sisingilin ng Meralco.. Ngayon alam na natin kung bakit natunaw ang yelong binili ni Juday... pero part pa lamang yan ng equation kung bakit mataas ang singil ng ating koryente, kunin ang electric bill.. at heto ang component ng ating electric bill : Generation charge Tax on Generation charge Transmission charge Tax on Transmission charge System loss Tax on System Loss Distribution, Metering and Supply charges Lifeline rate subsidies Tax on distribution, metering and supply charges and lifeline rate subsidies Local franchise tax Universal charges I-add mo lahat yan at yan ang total electric bill mo... pero napansin nyo ba sa isang electric bill 5 tax ang babayaran natin? Para lalo nating mapansin, ganito ang flow ng kuryente bago dumating sa bahay naten.. Ang napocor or IPP ang magpoproduce ng kuryente...bago pa maka-alis ng planta ang kuryente, magbabayad na tayo ng tax na 51 cents/kwh. Ang kuryenteng iyan ay padadaanin ngayon sa TRANSCO, papunta sa distribution utility natin gaya ng Meralco.. Muli tayong bubuwisan ng gobyerno, this time 11 cents/kwh Pag nakarating sa meralco ang kuryente, muli sisingilin tayo ng buwis ng gobyerno, ng distribution tax at franchise tax... At dahil magbabayad tayo ng system loss muli na naman tayong bubuwisan ng gobyerno... ng system loss tax.. At eto pa ang kwela sa lahat, after i-total ang iyong electric charges.. papatawan kang muli ng tax... this time yung 12% e-Vat.Imagine 5 Taxes na binayaran mo, yung tax na yun eh bubuwisan pang muli ng isa pang tax... Ang alam ko po sa batas bawal ang double taxation.... pero sa ginagawang ito ng gobyerno.. cguro naaayon na sa batas kase lampas na sa double eh (sarcastic lang po) At upang madagdagan pa ang sama ng loob nating mga filipino... Ang Napocor, ayon sa batas ay kinakailangan mag imbak ng supply ng coal na tatagal ng 5 taon.. pero ano ginagawa ng napocor... sasairin nila yung supply nila ng coal upang tumagal lamang ng isang taon, at dahil paubos na, mapipilitan silang mag-conduct ng emergency purchase na di na dadaan sa bidding.. or kung dumaan man, dahil sa ikli ng timetable, walang makakapag-bid. So si Napocor bibili ng coal, hindi sa lowest bidder, kundi sa kanilang preferred supplier.. ang masaya pa neto, anlaki na ng patong.. higit pa sa doble ng actual price ng coal sa market.. idagdag pa jan ang arkila ng mga barko na gagamitin sa pagta-transport ng coal... na syempre muling pagkakakitaan ng mga Napocor executives.. . Sobra na nga pinapataw na tax sa atin ninanakawan pa tayo ng gobyerno natin..:( Ansaya ng buhay sa pilipinas no?! *a forwarded message

Thursday, July 24, 2008

Beyond the Camera

PHOTOJOURNALISM is a form of journalism that employs photography so as to put into picture a significant human-interest story. For some, photojournalism is as simple as the collaboration of photography and journalism. But I believe, photojournalism is more than that. "..photojournalism. It destroys almost all barriers. Justice can draw its sword in the time it takes an eye to scan an image. An image has no age, language or intelligence limits. " -Mark M. Hancock Photojournalism is not just about photography and journalism alone. It is deeper than the knee-high flood in a squatter's area dwelling around the city. It is more than the bunch of traffic jams around the metropolis. Photojournalism is the very details of the sag face of an old woman figuring her way out of the flood over the trails of poverty at the edge of an uncompromising city. It is not just about the subject framed through the lenses of the cameras but about the edifying actions, still lives in every scenario and the life beyond every image captured. Photojournalism is a factual art. ..a narration of millions of untold stories. ..a mirror beyond every visual spectrum that depicts reality. ..a medium that affects one's consciousness and a medium of awareness. ..an art not for an art's sake. Photojournalism is much atypical than the customary portraits of the society, much distant from the images of neutrality and a genuine reflection of reality. Photojournalism is a challenge. Like other forms of journalism, it sides with the truth and the people.

Thursday, July 17, 2008

Akala

Akala ko tama na ako, yun pala akala ko lang! eto, mali na naman! haha..akala ko kasi ay ipepaste lang dito yung link for a song, hindi pala. Akala ko tama na ko sa mga pinaggagagawa ko, mali pala! Kailangan ko pa rin ng tulong!haha akala' music ? parokya_ni_edgar_akala gJnsAzH_ 6Bm3yse people www.imeem.com http:>akala'>http://www.imeem.com/people/6Bm3yse/music/gJnsAzH_/parokya_ni_edgar_akala/">akala

Saturday, July 12, 2008

Nilugaw na lang Sana

From Globe: Lunas sa krisis sa bigas! Win 1 sack rice 2day+up to 5M sa jakpot! Txt BIGAS to 2910 n get daily market tips. P2.50/txt DTI3278 NoFREEinfo?RplySTOP Sender: 2977 Sent: 02:31:48pm 07.08.2008 Sa totoo lang, medyo nag-aalangan na akong ilathala pa ang lupon ng basurang ito. Hindi ko kasi kaagad nakalkal ang mensaheng ito sa telepono ko. Gayun din, sigurado naman kasi alam kong lahat tayo ang may nalalaman na tungkol sa usaping ito at alam ko din na lubha na tayong nabibingi sa paulit-ulit na kwento tungkol dito. Katulad ko, sawa ka na rin.
Siguro nga, lubha na ang kakulangan sa supply ng bigas sa bansa (o ng murang bigas na makakaya pang paghirapan ng karaniwang Pilipino?). Lubha na rin ang kahirapan at gutom na nararanasan ng karamihan. Kung sino pa ang mga nagpapakahirap magsaka ng lupang hindi naman sa kanila ay sila pa itong nagkukumahog sa pagpila upang makabili lang ng limitadong NFA rice na inaangkat pa natin sa ibang bansa. Sila itong walang makaing bigas. Sila itong salat sa produktong sila naman ang napapakahirap. Nakakalungkot. Tapos kung sino naman itong mga nakaupo sa lang sa kung saan lupalop, ay sila naman itong sagana at nagpapakabusog sa mga pagkain hindi naman sila ang nagtanim. Ang mas nakakalungkot pa nito, paulit-ulit na lang ang ganitong sistema at nananatili pa rin ito sa sirkulasyon ng kalagayan sa buhay ng mga Pilipino. Kumbaga sa damit, dapat dati pa lang ay nalaos na ang ganitong istilo ngunit hanggang ngayon ay nanatili pa rin itong uso at tila mas magtatagal pa ang pananatili nito.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa mga mensaheng tulad ng mga nauna pang mensahe na natanggap ko. Pati ba naman kasi bigas ay ginagawa ng papremyo. At ito pa, noong isang gabi lang habang nakasakay ako sa isang pampublikong sasakyan pauwi sa aking pansamantalang tinutuluyan ay nabigla ako sa aking narinig mula sa isang patalastas sa radyo. Isa na namang palaro na kung saan ay itetext mo lang daw ang isang keyword kalakip ang iyong pangalan, address at kung anu-ano pang tungkol sa sarili mo tapos may pagkakataon ka nang manalo ng hindi lang isa kundi apat yata o limang sako ng bigas. Isang sako para sa iyo at ang tira ay para naman daw sa mga kapitbahay mo. Ang galing di ba?
Bakit kasi kailangan pang ipain ang bigas para kumita lang. Nakakaasar! Parang isang sanngol lang na nagkakandaiyak na para sa gatas ngunit pilit namang inilalayo ito sa kanya. Sa halip na ibigay at mapunan ang gutom na nararanasan ng bata ay kailangan munang magclose-open para may mapagkatuwaan. Matapos nito, saka palang ibibigay ang kailangan ng bata. Oo, gusto nilang tumulong pero siguro naman hindi ito o may mas tama pang paraan para makatulong sa nangangailangan. Sana nilugaw na lang nila ang bigas para tipid na sa panggataong, tipid pa sa pang-ulam.

Wednesday, July 9, 2008

Pang-GAS naman

From Globe: U myt WIN 100,000 CASH pang-GAS dis wk! Txt TD to 2346 get FREE LAMPA (Clumsy pinoy version) MP3 w/WklyMP3 P30/3x/wk DTI3086 NoFREEinfo?RplySTOP Sender: 2977 Sent: 01:38:51pm 07.09.2008 Nakatutuwa sapagkat halos isang araw na pala ang nakalipas nang natanggap ko ang mensaheng ito at halos isang araw na rin itong nakatambay sa telepono ko. Mas nakatutuwa namang mabatid na mukhang updated na ang mensaheng tulad nito sa mga pambansang issue kahit bakas pa rin ang kagustuhang kumita sa likod ng mga ito. Ganoon pa man, nakalulungkot pa rin dahil hindi lang isang araw ang nakalipas nang magsimula ang walang patid na pagtaas ng presyo ng kurudo . Mas nakalulungkot naman sapagkat kasabay ng pagtaas ng presyo ng langis ay pagtaas din ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado na siya namang tila kabagliktaran sa nangyayari sa buhay ng mga Pilipino. Mas tumataas lamang ang mga bayarin at tila hindi na mapipigilan. Mas lumalakas lamang ang kalam ng mga nagugutom ng tiyan. Mas nalulugmok lamang ang Pilipinas sa kahiran. Kailan naman kaya mababaliktad ang ganitong kalagayan?
Sa loob ng isang araw, ano pa kaya ang ating kahihinatnan?

Tuesday, July 8, 2008

Pambayad Utang

From Globe:
Pambayad Utang!
U myt WIN P100,000 ds wk
w/ HotMMS! Txt HM
to 2346! May FREE
Sundalong Bata (CrankThat) tone pa! P20/wk
DTI3086
NoFREEinfo?RplySTOP
Sender:
2977
Sent:
12:38:35pm
07.02.2008
Gaano na nga kaya kabigat ang pinapasang utang ni Mang Juan at ganito na lang kalala ang mga nagsusulputang information/promotion messages mula sa mga higanteng kompanya ng komunikasyon sa bansa? Sa dinami-dami ng mga mapanghikayat na mga mensaheng katulad nito, minsan hindi ko na alam kung paniniwalaan ko pa ang mga ito at kung sa Globe nga talaga ito nanggaling. Hindi ko na rin tuloy malaman kung talagang bang may pag-asa pang maabot ang sinasabi nilang mundo.
Mahusay ang hangaring mapagaan ang naglalakihan at patuloy na lumalaking utang ng mga Pilipino dahil sa bugso ng nagtataasang bilihin at bayarin sa araw-araw, ngunit sa aking palagay, hindi naman yata tamang pati ang naturang pagtulong ay pagkakitaan.
Kung mapapansin, ang 20 pesos na halaga ng load na isusugal kada linggo para sa premyong maaaring mapanalunan with "FREE" na ringtone pa nga raw ay maaari nang magamit ng isang simpleng mamamayan para makabili ng kahit kalahating kilo ng bigas. Kung susumahin, aabot din ng 80 pesos ang magagasta sa loob ng isang buwan sa kada 20 pesos na mauubos kada linggo. At sa halagang ito, isa hanggang dalawang araw na rin ang maitatawid sa gutom ng isang Pinoy base na rin sa cost of living sa bawat araw na pinangangatawanan ng pamahalaan.
Sa totoo lang, hindi naman talaga libre ang "FREE tone" na pampalubag-loob sa mahiwagang palarong ito kung hindi mo mapapanalunan ang premyo sapagkat ito naman talaga ang binabayaran mo sa bawat 20pesos mo. At sa totoo rin lang, ang 100,000 pesos na pambayad-utang kuno ang tanging consolation prize dito - isang consolation prize na suntok pa sa buwan kung makukuha mo.
Sa halip na makaaahon pa sana si Mang Juan sa kumunoy ng pagkakautang, mas lalo lamang siyang bumibigat sa mga pasaning dala ng mga ganitong kabalintunaan. Ang pagtulong sa kapwa ay hindi dapat pinapatawan ng kahit anumang halaga bilang kapalit.
Ang pagtulong ay pagtulong, hindi isang sugal kung saan ang isang tao ay maaari pang malulong at tuluyan nang hindi makabangon.

Tuesday, July 1, 2008

Tamad

Nakakatamad o nakatatamad? Basta!Tinatamad ako!

Wednesday, June 25, 2008

I am not kidding, I need it so bad!

Is there any manual for mending broken relationships? Where can i get any of it? Please help me find one.

Tuesday, June 24, 2008

Salitang Kababuyan

BULUGAN -tagalog na salita para sa isang adult male pig (boar sa english)
  • madalas na maririnig bilang salitang kanto na tumutukoy sa mga taong malaki (dambuhala sa kapal ng taba) na maaaring mayroong kakaibang amoy (may anghit o mas malala pa ay may baktol), matakaw (karaniwang napakatakaw) at higit sa lahat ay mukha at asal baboy.
  • sa pulitika, mas magaang panghalili sa bansag na "buwaya"; nagpapakasasa, nagpapakabundat at samual sa paglamon ng kaban ng bayan.
BULAW -iba pang tagalog na salita para sa mga biik (piglet sa english)
  • salita para sa hindi gaanong katabaang tao na maaaring magkaroon ng kakaibang amoy (na siguro'y hanggang anghit pa lamang), unti-unti nang tumatakaw at may pangilan-ngilang palatandaan ng kababuyan sa ugali at katawan.
  • mas bata at pasimpleng bersyon at maaari (at malamang na) susunod na henerasyon ng mga bulugan sa pamahalaan.
SAGMAW -tagalog na termino para sa pagkain ng mga baboy (feed sa english)
  • mas kilala bilang kaning-baboy (karaniwang mula sa mga tira-tirang kanin at ulam na lumalangoy sa sabaw).
  • terminong nagpapatungkol sa mga nilamon, nilalamon at lalamunin pa lang ng mga baboy sa pamahalaan (maaaring tongpats sa kung saang mga proyekto, mga ninenok na mga office supplies at mga dagdag na oras na hindi naman itinrabaho, mga kinupit na semento, bakal, kahoy at aspalto, at mga kung anu-ano).

[Ang mga salita ay inilahad sa kanilang konotasyon, malikhaing gamit at binigyang kahulugan hindi upang may pasaringan. Ganun pa man, ang tamaan...may kababuyan!haha]

Monday, June 16, 2008

Words of Wisdom from Kuya

When I was a little child, I always wanted to be free. I once climbed a tree and suddenly slipped off my feet. Good thing, I was able to hold onto a branch. Hanging for sometime, I felt the flow of blood into my ears, the fastest beat of my heart and the contradiction of muscles in my arms. For moments, I felt the agony; the sacrifice of keeping things not meant to stay. Then after, I fell. Situations like this may stop us from giving up our pride and keeping things and moments once ours. But then, we should learn to let go of things, and we may realize at the end of the day that they are worth letting go than keeping such things you never owe to. However, things are still up to you.

Friday, June 13, 2008

Busina para sa Katotohanan

Nauunawaan din kaya ng musmos na kabataan ang tunay ng isinisigaw ng bawat BUSINA para sa KATOTOHANAN?
Larawan mula sa isang kilos protesta na nilahukan ng mga kabataan at ilan pang progresibong mamamayan mula sa iba't ibang pamantasan (UP Manila, PNU, PLM, ADU, Letran, Lyceum, EAC at iba pa) at mga organisasyon (White Ribbon Movement, All UP Workers Union, Anakbayan, Alliance of Concerned Teachers, Youth Revolt, Student Christian Movement, ASAP-KATIPUNAN, Promotion of Church People's Movement, League of Health Science Movement, Health Alliance for Truth and Justice, Health Alliance for Democracy, College Editors Guild of the Philippines at iba pa). Nilalayon ng pagkilos na ito ang "Truth, Justice, Accountabilty and Meaningful Changes" mula sa ating pamahalaan. Hanggang saan kaya ang maaabot ng tunog at ingay mula sa ma busina para sa katotohan? Nadirinig naman kaya sila ng pamahalaan? Eh naiintindihan din kaya ang mga ito ng mga inosente nating mga kabataan?
*kuha ni Bb.Lina Eguico June 13, 2008, Plaza Olivia Salamanca (Taft Avenue at T. M. Kalaw St.)

Thursday, June 12, 2008

Anong Araw na ba?

June 12 ngayon di ba?
Independence Day ng Pilipinas dapat ngayon ah! Eh malaya na nga ba tayong talaga?
Kung sa bagay, Indepedence Day lang naman daw diba?
Sandali nga, independent? Saan ba?
Kung saan man yun, sana'y totoo nga.
Maligayang Araw na lang ng pagiging Pilipino sa ating lahat!
Ngayong araw na ito, magpakabuhay ka!
Ay mali, mabuhay ka pala!

Tuesday, June 10, 2008

Aking Napansin Lamang

Bilang isang laking probinsya, lubhang napakalaki ng pinagkaiba ng kapaligiran at kultura nito sa isang lungsod. Narito ang ilan sa mga pinagkaibang aking napuna sa pamumuhay at daloy ng halos lahat ng bagay mula sa sarili kong probinsya sa isang lungsod:
  • Mas magulo ang pamumuhay hindi sa probinsya kundi sa lungsod.
  • Mas nakakalat ang mga pang-abala hindi sa sa probinsya kundi sa lungsod.
  • Mas nakapanlilimahid ang pakiramdam hindi sa probinsya kundi sa lungsod.
  • Mas madami ang gahamang pulis hindi sa probinsya kundi sa lungsod.
  • Mas madami ang mandarayang timbangan sa mga pamilihang bayan hindi sa probinsya kaysa sa lungsod.
  • Mas madami krimen hindi sa probinsya kundi sa lungsod.
  • Mas talamak ang kurapsyon hindi sa probinsya kundi sa lungsod.
  • Mas madaming mukha ng mga pulitikong nakasabit sa mga pader ng hindi sa probinsya kundi sa lungsod.
  • Mas mabili ang prostitusyon hindi sa probinsya kundi sa lungsod.
  • Mas malaki ang agwat ng mahirap sa mayaman hindi sa probinsya kundi sa lungsod.
  • Mas malaki ang posibilidad na hindi kakilala ang sariling kapitbahay hindi sa probinsya kundi sa lungsod.
  • Mas makapal ang bilang ng mga walang matinong tirahan hindi sa probinsya kundi sa lungsod.
  • Mas madaming pulubing katutubo hindi sa probinsya kundi sa lungsod.
  • Mas nakakatakot mamuhay hindi sa probinsya kundi sa lungsod.
  • Mas palengke at basurahan ang lansangan hindi sa probinsya kundi sa lungsod.
  • Mas madami pang pinagkaiba sa pagitan ng probinsya at lungsod.
Dalawang araw na lang at ipagdiriwang na ng buong bansa ang itinakdang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. Hindi katulad ng pasko na kahit buwan pa ang bibilangi'y maaga kaagad na ipinagdiriwang , tila buwan pa naman ang hinihintay ng sambayanan kahit isang araw na lang ang nalalabi at Araw na ng Kalayaan. Kung mapapansin, ang pasko ay kadalasang ipinagdiriwang lang ng mga Romano Katoliko(at hindi lahat ng mga PIlipino tulad ng mga Muslim at iba pa) at ang Araw naman ng Kalayaan ay nararapat lang na ipagdiwang ng lahat ng Pilipino ngunit tila kakaunti lang ang paghahanda para sa kaarawan ng bansa kumpara sa kaarawan ng isang sinasamba. Hindi ito panlilibak sa pagitan ng relihiyon at pagiging makabayan. Mababatid lang na unti-unti nang humihina ang liyab ng lahing Pilipino sa ganitong kalagayan. Ganoon din, hindi tulad ng pagdiriwang sa kanayunan, tila masyadong abala ang mga tao sa kanikanilang sariling kabuhayan. Kung mapapadpad ka sa mga lansangan sa probinsya sa mga panahong ito, lubos mong mararamdaman ang pakikiisa ng bawat mamamayan sa pagdiriwang ng kalayaan. Kahit kakaunti ang dami ng tao at komunidad dito, mababakas pa rin ang kalayaan sa mga bandiritas sa paligid ng mga munisipyo, mga bandila sa mga tahanan, pamilihang bayan at mga pampasadang sasakyan. Sa lungsod naman, pamahalaan at mga malalaking establisyimento lang ang karamihang nakikipagdiwang. Halos walang haplos ng kalayaan sa mga pampublikong sasakyan at pribadong tahanan. May mga inilalako mang mga banila sa lansangan, hindi naman ito kaaya-ayang tingnan sapagkat tila inilalako na rin lang ang ating kalayaan. Sa puntong ito, maaaring sabihin na magkaiba din ang pagpapakita ng pagiging makabayan sa mga probinsya at lungsod lalo na sa araw ng kalayaan. Mas mahina ang init ng liyab ng pagdiriwang ng kalayaan sa lungsod kumpara sa kanayunan.
Ganoon pa man,
hindi maibabatay ang tunay na pakikiisa sa kalayaan sa mga materyal na bagay lamang.

Siguro, kahit papaano ay may mga nakatago ding pusong makabayan sa bawat taong mukhang nakalimutan na ang kalayaan. Nawa ay ganoon nga.

Ang lahat ng ito lang naman ay nababatay sa pagmamasid mula sa probinsyang aking pinagmulan tungo sa lungsod na aking naman ngayong pinaglalagian. Maaaring maging mali o sadyang katotohanan, sapagkat ng lahat ng ito'y aking mga napansin lamang.

*mga larawan mula sa Yahoo images

Friday, June 6, 2008

Aking Napansin Lamang

Kung negosyo at negosyo din lang ang pag-uusapan, wala na talaga sigurong patid sa pagkamadiskarte ang mga Pilipino-tunay tayong malikhain at tuso sa pangangalap ng samu't saring batis para sa ating kabuhayan. Kahit ano na nga yatang bagay na maaaring pagkakitaan ay ilalako sa kung saan saan upang magkaroon lang ng panlaman sa ating mga kumakalam at hungkag na tiyan.
Kadalasan ay nariyan ang sandamakmak na mga gamit, laruan, pagkain at kung anu-ano pa na tila mga ukay-ukay na nagmula pa sa iba't ibang bansa(at maaaring pinalusot lamang sa kawanihang responsable sa pagpapasok ng mga produktong tulad ng mga ito). Nakakalungkot namang isiping pangilan-ngilan na lamang ang mga gawang lokal at mabibilang na ang mga produktong gawa ng bansa na tinatangkilik ng mga Pilipino kumpara sa mga dayuhan kakumpitensya nito.
Mas lamang na sa mentalidad ng mga Pinoy ang pagiging export-oriented at import-dependent. Kaya naman tumatak na sa kultura ng merkado natin na mas mahusay ang gawang dayuhan na nagdulot ng pagkalugmok ng mga gawang lokal. Sa puntong ito, pinasok na ng mga Pilipino ang ang palagian at bultuhang pang-angkat ng mga iba't ibang produkto mula sa kung saan saang lupalop ng mundo. Sa halip na pagtuunan ng pansin ang gawang Pinoy, mas lumala pa ang kalagayan ng ekonomiya sapagkat pati ang pamimirata ng iba't ibang produkto at serbisyo ay laganap na sa bansa- nagdulot naman ito ng patuloy na pag-usbong ng Underground Economy sa Pilipinas. Ilan sa mga ito ay ang mga pirated cd's na pumapatay sa industriya ng musika at pelikula, mga China phones na bumubulok sa industriya ng komunikasyon, mga smuggled luxury vehicles na bumubutas naman ng gulong ng transportasyon at mas murang mga GMO na unti-unti namang pumapatay sa mga Pilipino. Malamang hindi na ito lingid sa ating lahat sapagkat kahit saang bangketa at pangunahing lansangan natin tingnan ay makikita natin ang pagsakop ng mga bagay na ito sa pamilihan.
Hindi imposibleng nakatikim ka na ng fishballs na lasang isda pero hindi naman talaga tunay na gawa sa isda, japanese corn na ubod ng dilaw at tamis, sago't gulaman na gawa sa tisa, iba't ibang klase at lasa ng lutong laman mula sa double dead na karne ng maruruming pamilihang bayan, isaw, adidas, kwek-kwek, tainga ng baboy, ulo at balat ng manok, chicharon, white rabbit na gawang Tsina, Maling na mula sa niyadyad na karton, at pusit na tinutubog umano sa formalin. Siguro nakabili ka na rin ng pinaghalong NFA at commercial rice na bibebenta sa mapakamahal na halaga, dragon batteries na wala pang ilang oras na gamitan ay palyado na, iba't ibang klaseng cellphone housings, chargers at mga blingblings sa bangketa, at mga tsinelas na ang tatak ay Havana. Kung gayon, malamang nakapunta ka na rin sa Divisoria, Tutuban, Meisic at 168 mall ng Divisoria, Baclaran ng Pasay at Quiapo ng Maynila at sa pangunahing bangketa na tila may pista sa sandamukal na kapal nila- dito natin matatagpuan ang mga dukhang negosyanteng Pilipino. Hindi naman natin sila masisisi sapagkat ang lahat ng ito ay dala lamang ng kahirapan. Kahirapang kanila nang kinamulatan. Mahirap mang tanggapin ngunit parang itinadhana na sila ng kapalaran sa ganoong kalagayan, ang magpakapagod sa lansangan at magpakapaso sa init ng araw para lamang sa kakapiranggot na panglaman tiyan. Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, bigas at marami pang iba, halos wala na sa bukabolaryo ng ilan ang kahihinatnan ng mga mamimili ng kanilang produkto at serbisyo basta mairaos lang nila ang kanilang pamilya at sarili sa gutom araw-araw at makaharap ang ganitong problema.
Ang kahirapan ang ugat ng ganitong kabalintunaan sa ating lipunan. Kaya naman, halos ibenta na ng sarili nating pamahalaan ang ating mga magagawa sa ibang bansa upang magpaalipin sa mga dayuhan para lang sa mapataas ng halaga ng piso na dala ng perang kanilang ipadadala sa kanilang mga pamilya sa bansa. May pampalubag-loob pang termino na "Bagong Bayani" sa kapwa nating mga Pilipino na nagbubuno ng kanilang sipag at tiyaga sa ibang bansa. Oo nga't mga bayani sila ngunit kadalasang ginagamit na lang ang salitang ito ng mga pulitiko para sa pagpapalapad ng kanilang mga sasapnan hanggang sa labas ng Pilipinas.
Sa kakulangan ng sapat na suporta at programa para sa mga dukhang Pilipino, pati sariling laman ay kanila nang inilalako sa lansangan. Mayroon ngang kahit pangkape na lang ang bayaran. Ganoon din ang talamak na pagbebenta ng sariling parte ng katawan; bato, baga, at sariling atay sa halagang pangmadalian lamang. Nakakalungkot sapagkat pati ang ganitong klase ng kalakalan ay pinapatos ng mahihirap na mamamayan. Hindi na alintana ang mga sugat na natatamo ng walang laban nilang mga labi mula sa pagkagat sa patalim para lang sa panandaliang kabuhayan. Nakakaawa at nakakainis. Kung magpapatuloy ang ganitong sistema na namumutawi sa kasalukuyan ay mananatili tayong nakalugmok sa lipunang atin ngayong kinalulubugan. Hindi na maisasalba pa ang mga bagong saka sa mga nabubulok nitong mga kasama.
Ilang araw na lang at muli na naman nating sasalubungin ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. Hindi ko alam kung nakatutuwa pang makita ang mga bagay sa ating kapaligiran. Hindi ko rin alam kung tama pang makita ng mga mata ng kapwa ko kabataan ang kasalukuyang kalagayan ng ating lipunan. Oo, isang malaking hakbang ang nararapat na gawin ng bawat Pilipino sa pagharap sa hamon ng bawat araw sa kanilang nagugutom na katawan. Tamang nararapat na maging malikhain silang lubos sa mga gagamiting batis upang mapunan ang kanikanilang pangangailangan at hindi maling sumabay sila sa panahon kung saan may maaari silang pagkakitaan. Maaaring nakasanayan na sa ating kultura ngunit parang mayroong hindi tama, tama bang ilako ang sarili nating bandila upang pagkakitaan? Marahil hindi ito kasing lalim ng pagbebenta ng sariling katawan o iba pang bagay na maaaring magtawid sa kahirapan ngunit wala na ba talagang ibang paraan na maaaring sunggaban ng ating mga kababayan? Maaaring malaki ang maiambag nito sa pusong makabayan ng bansa ngunit hindi nakakatuwang makitang pati ang bandilang sumasagisag sa ating inang bayan ay maaari nang ilako at gayun na nga'y inilalako na sa kung saan saan, sa murang halaga at sa hindi tamang pamamaraan. Hindi na nga yata imposibleng mangyari na sa susunod pang mga panahon, hindi lang banila ang ibenta kundi pati na rin ang sarili nating bansa. Marahil nga. Kung bibigyang pansin, ang maliliit pa nga lang na mga mamamayan ay naiisip na at nagagawa na ang ganitong paraan upang punan ang kanilang pangangailangan paano pa kaya ang mga ganid at lubhang mas makapangyarihan sa kanilang pagtugon sa luho, sariling interes at napakabuwayang kagustuhan?
Sa Araw ng Kalayaan, nawa'y maisapuso natin ang tunay na diwa ng tunay na kasarinlan.
Ang pagiging makabayan ay hindi mababayaran ng kahit anong halaga ng salapi o anumang yaman. Ang pagrespeto sa ating bansa ay hindi inilalako sa kung saang lupalop lang. Sa konteksto ng kasalukuyang lipunan, lubhang mapaniil ang kahirapan ngunit hindi ito dapat maging dahilan upang pati ang lupang tinubuan ay ating pagkakitaan.
*larawan mula sa Yahoo images

Wednesday, June 4, 2008

Pasing-tabi, Pasubali at Pala-isipan

1. Tulad ng tunay, karaniwan at nakasanayan, nakakangalay din pala talagang magsalsal ng isipan. Napakahirap magpilit at mag-isip ng mga bagay-bagay lalo na kung wala ka namang ipipilit at pag-iisipan. Minsan sa kakapilit mo, maiisip mo na lang na wala na pa lang kwenta ang mga kung anu-anong ipinagpipilitan mo. Ganun din, sa kakaisip mo, magpipilit ka na lang ng magpipilit ng kung anu-ano para hindi ka mapahiya sa sarili mo. Ipagpalagay nating "kung walang tiyaga, walang nilaga", ngunit dapat isinasaalang-alang din natin ang mga limitasyon at hangganan lalo na ng ating abilidad at kakayahan. Kung sa bagay, wala namang masama kung susubukan at magpupursiging magpilit ng isang bagay kung sa palagay mo naman ay mayroong mangyayari at mayroon kang kahihinatnan lalo't higit, kung may malakas ang iyong tiwala sa sarili mong isip at katawan. Malay natin bi da? 2. Mahirap magtulug-tulugan lalo na kung sa mata nakatapat ang ilawan -nakakasilaw. Hindi madaling magpanggap lalo na kung may mga bagay na umuungkat at maaaring mag-ungat sa katotohanan. Mas nagiging mahirap ito lalo na kung lantad at nababakas naman ang tunay sa mga pagkukunwari lamang. Magsuot ka man ng napakaraming maskara, wala naman itong pisi upang mapanatiling nakasara ang mga napiling panandaliang mukha.

Minsan, nakakatuwa sapagkat nahahasa ang iyong pagiging malikhain sa iba't ibang bagay. Nagiging bihasa kang mananahi sa pagtatagni-tagni ng iba't ibang kwento at katauhan kahit na sa totoong buhay ay ni ang simpleng paglalagay ng sinulid sa kapiranggot na karayom ay hindi mo pa maisakatuparan.

Nagiging magaling kang artista sa pagpili ng mga dibuhong idadagdag sa kathang persona at lubos na napapahusay ang iyong kakayanan bilang tagapagpadaloy ng teyatro sa sariling-likhang entablado. Ikaw ang manunulat. Ikaw ang direktor. Ikaw ang aktor. Buong mundo naman ang iyong tagahanga- pinapalakpakan ang sining na likha ng iyong takot sa pagharap sa titalikuran mong katotohanan. Sa huli, ang tunay na ikaw din ang hindi pinalad na makakasaksi sa kinikilalang ikaw. Ikaw mismo ang hindi nakakakilala sa maskarang iyong binuno sa ibabaw ng itinatago mong mukha. Hindi mo na makakabisado pa ang bawat linya na iyong isinusulat. Malilito ka na sa daloy ng kwento na dating mong idinedirekta. Mahihirapan ka nang isabuhay ang katauhang pilit mong ipinapakilala sa karamihan. Lalamunin ka ng iyong konsensya at masisilaw ka sa ilaw ng di makatotohanang apoy na iyong nilikha- hindi mo na ito masusugpo pa at masusunog ka sa patuloy nitong pagliyab. Ipagpalagay natin ang kasabihang "mahirap gisingin ang taong nagtutulug-tulugan", totoo, hindi ba? Kaya naman matakot ka na sapagkat baka sa pagpapanggap mong ito ay matuluyan ka na sa pagkakahimbing at hindi ka na magising pa 3. Tama na mali na tama? Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka. Kung ayaw mong makalbo, magpakalbo ka. Hindi ko alam. Maaring mali at maaaring tama. Maaari ding medyo mali pero tama o medyo tama ngunit mali pala. Nakakalito. Basta ang alam ko ay tama ito na mali na tama. Tama ba o baka naman mali na naman na ako na tama? Tama na muna siguro ang pagpipilit kong maging makata sa sarili kong pamamaraan. Wala na rin naman akong maisip at maipagpilitan. Bahala na muna sa ngayon. Hanggang sa muli, ako nga pala si Nano! Paalam.

Friday, May 23, 2008

Ako Si Nano

Lenerwin Centron Onanad. University of the Philippines Manila. B.A. Development Studies. AKO SI NANO.