From Globe:
Lunas sa krisis sa bigas!
Win 1 sack rice 2day+up to 5M sa jakpot!
Txt BIGAS to 2910 n get daily market tips.
P2.50/txt
DTI3278
NoFREEinfo?RplySTOP
Sender:
2977
Sent:
02:31:48pm
07.08.2008
Sa totoo lang, medyo nag-aalangan na akong ilathala pa ang lupon ng basurang ito. Hindi ko kasi kaagad nakalkal ang mensaheng ito sa telepono ko. Gayun din, sigurado naman kasi alam kong lahat tayo ang may nalalaman na tungkol sa usaping ito at alam ko din na lubha na tayong nabibingi sa paulit-ulit na kwento tungkol dito. Katulad ko, sawa ka na rin.
Siguro nga, lubha na ang kakulangan sa supply ng bigas sa bansa (o ng murang bigas na makakaya pang paghirapan ng karaniwang Pilipino?). Lubha na rin ang kahirapan at gutom na nararanasan ng karamihan. Kung sino pa ang mga nagpapakahirap magsaka ng lupang hindi naman sa kanila ay sila pa itong nagkukumahog sa pagpila upang makabili lang ng limitadong NFA rice na inaangkat pa natin sa ibang bansa. Sila itong walang makaing bigas. Sila itong salat sa produktong sila naman ang napapakahirap. Nakakalungkot. Tapos kung sino naman itong mga nakaupo sa lang sa kung saan lupalop, ay sila naman itong sagana at nagpapakabusog sa mga pagkain hindi naman sila ang nagtanim. Ang mas nakakalungkot pa nito, paulit-ulit na lang ang ganitong sistema at nananatili pa rin ito sa sirkulasyon ng kalagayan sa buhay ng mga Pilipino. Kumbaga sa damit, dapat dati pa lang ay nalaos na ang ganitong istilo ngunit hanggang ngayon ay nanatili pa rin itong uso at tila mas magtatagal pa ang pananatili nito.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa mga mensaheng tulad ng mga nauna pang mensahe na natanggap ko. Pati ba naman kasi bigas ay ginagawa ng papremyo. At ito pa, noong isang gabi lang habang nakasakay ako sa isang pampublikong sasakyan pauwi sa aking pansamantalang tinutuluyan ay nabigla ako sa aking narinig mula sa isang patalastas sa radyo. Isa na namang palaro na kung saan ay itetext mo lang daw ang isang keyword kalakip ang iyong pangalan, address at kung anu-ano pang tungkol sa sarili mo tapos may pagkakataon ka nang manalo ng hindi lang isa kundi apat yata o limang sako ng bigas. Isang sako para sa iyo at ang tira ay para naman daw sa mga kapitbahay mo. Ang galing di ba?
Bakit kasi kailangan pang ipain ang bigas para kumita lang. Nakakaasar! Parang isang sanngol lang na nagkakandaiyak na para sa gatas ngunit pilit namang inilalayo ito sa kanya. Sa halip na ibigay at mapunan ang gutom na nararanasan ng bata ay kailangan munang magclose-open para may mapagkatuwaan. Matapos nito, saka palang ibibigay ang kailangan ng bata. Oo, gusto nilang tumulong pero siguro naman hindi ito o may mas tama pang paraan para makatulong sa nangangailangan. Sana nilugaw na lang nila ang bigas para tipid na sa panggataong, tipid pa sa pang-ulam.
2 comments:
padaan! haha. :D
ang dami nilang pakana para maengganyo ang tao na sumali sa mga promo nila. kung anu anung phrase na ang ginagamit makuha lang ang puso ng mga mamamayan.
ay. asan na yung pic ng globe?
Post a Comment