BULUGAN -tagalog na salita para sa isang adult male pig (boar sa english)
- madalas na maririnig bilang salitang kanto na tumutukoy sa mga taong malaki (dambuhala sa kapal ng taba) na maaaring mayroong kakaibang amoy (may anghit o mas malala pa ay may baktol), matakaw (karaniwang napakatakaw) at higit sa lahat ay mukha at asal baboy.
- sa pulitika, mas magaang panghalili sa bansag na "buwaya"; nagpapakasasa, nagpapakabundat at samual sa paglamon ng kaban ng bayan.
BULAW -iba pang tagalog na salita para sa mga biik (piglet sa english)
- salita para sa hindi gaanong katabaang tao na maaaring magkaroon ng kakaibang amoy (na siguro'y hanggang anghit pa lamang), unti-unti nang tumatakaw at may pangilan-ngilang palatandaan ng kababuyan sa ugali at katawan.
- mas bata at pasimpleng bersyon at maaari (at malamang na) susunod na henerasyon ng mga bulugan sa pamahalaan.
SAGMAW -tagalog na termino para sa pagkain ng mga baboy (feed sa english)
- mas kilala bilang kaning-baboy (karaniwang mula sa mga tira-tirang kanin at ulam na lumalangoy sa sabaw).
- terminong nagpapatungkol sa mga nilamon, nilalamon at lalamunin pa lang ng mga baboy sa pamahalaan (maaaring tongpats sa kung saang mga proyekto, mga ninenok na mga office supplies at mga dagdag na oras na hindi naman itinrabaho, mga kinupit na semento, bakal, kahoy at aspalto, at mga kung anu-ano).
[Ang mga salita ay inilahad sa kanilang konotasyon, malikhaing gamit at binigyang kahulugan hindi upang may pasaringan. Ganun pa man, ang tamaan...may kababuyan!haha]
No comments:
Post a Comment