Monday, July 28, 2008
Bakit nga ba natunaw ang yelo ni Juday?
Pakibasa po nang malaman nyo
ELECTRIC BILL natin!
Bilib ako sa commercial ni Juday, biro mo naipaliwanag niya in 30
sec ang masalimuot na system loss na yan..:)
Tama si Juday sa kanyang paliwanag ng system loss, pero kung tayo
ang bibili ng yelo at ayaw talaga nating mabawasan ang yelong binili,
siempre magdadala tayo ng styrofoam ice box o Coleman...
Ang tawag diyan ay increase the efficiency.. Kung baga sa mga
distribution utilities ayusin nila nang husto ang electrical network,
pati na ang mga sub-station and step-down transformers para
nago-operate sila sa maximum efficiencies. Kung lumang-luma na,palitan o di kaya imaintenance. Tapos, ireduce, at kung maaari ay alisin, ang mga administrative inefficiencies, tulad ng wrong meter readings, pilferage at kung ano ano pa...
At alam ba ninyo na hindi lang meralco ang nagpapasa ng system
loss? Pati ang TRANSCO na government owned at siyang nag me-maintain ng power grid. Balak ipasa or naipasa na ng TRANSCO ang 2.98% ng system loss nya sa Meralco.. at syempre kanino pa ba naman iyan sisingilin ng Meralco..
Ngayon alam na natin kung bakit natunaw ang yelong binili ni
Juday... pero part pa lamang yan ng equation kung bakit mataas ang
singil ng ating koryente, kunin ang electric bill.. at heto ang component ng ating electric bill :
Generation charge
Tax on Generation charge
Transmission charge
Tax on Transmission charge
System loss
Tax on System Loss
Distribution, Metering and Supply charges
Lifeline rate subsidies
Tax on distribution, metering and supply charges and lifeline rate subsidies
Local franchise tax
Universal charges
I-add mo lahat yan at yan ang total electric bill mo... pero
napansin nyo ba sa isang electric bill 5 tax ang babayaran natin?
Para lalo nating mapansin, ganito ang flow ng kuryente bago dumating sa bahay naten..
Ang napocor or IPP ang magpoproduce ng kuryente...bago pa
maka-alis ng planta ang kuryente, magbabayad na tayo ng tax na 51
cents/kwh.
Ang kuryenteng iyan ay padadaanin ngayon sa TRANSCO, papunta sa
distribution utility natin gaya ng Meralco.. Muli tayong bubuwisan ng
gobyerno, this time 11 cents/kwh
Pag nakarating sa meralco ang kuryente, muli sisingilin tayo ng
buwis ng gobyerno, ng distribution tax at franchise tax...
At dahil magbabayad tayo ng system loss muli na naman tayong
bubuwisan ng gobyerno... ng system loss tax..
At eto pa ang kwela sa lahat, after i-total ang iyong electric
charges.. papatawan kang muli ng tax... this time yung 12%
e-Vat.Imagine 5 Taxes na binayaran mo, yung tax na yun eh bubuwisan
pang muli ng isa pang tax...
Ang alam ko po sa batas bawal ang double taxation.... pero sa
ginagawang ito ng gobyerno.. cguro naaayon na sa batas kase lampas na
sa double eh (sarcastic lang po)
At upang madagdagan pa ang sama ng loob nating mga filipino... Ang
Napocor, ayon sa batas ay kinakailangan mag imbak ng supply ng coal na tatagal ng 5 taon.. pero ano ginagawa ng napocor... sasairin nila yung
supply nila ng coal upang tumagal lamang ng isang taon, at dahil
paubos na, mapipilitan silang mag-conduct ng emergency purchase na di
na dadaan sa bidding.. or kung dumaan man, dahil sa ikli ng timetable,
walang makakapag-bid.
So si Napocor bibili ng coal, hindi sa lowest bidder, kundi sa
kanilang preferred supplier.. ang masaya pa neto, anlaki na ng
patong.. higit pa sa doble ng actual price ng coal sa market.. idagdag
pa jan ang arkila ng mga barko na gagamitin sa pagta-transport ng
coal... na syempre muling pagkakakitaan ng mga Napocor executives.. .
Sobra na nga pinapataw na tax sa atin ninanakawan pa tayo ng
gobyerno natin..:( Ansaya ng buhay sa pilipinas no?!
*a forwarded message
Thursday, July 24, 2008
Beyond the Camera
PHOTOJOURNALISM is a form of journalism that employs photography so as to put into picture a significant human-interest story. For some, photojournalism is as simple as the collaboration of photography and journalism. But I believe, photojournalism is more than that.
"..photojournalism. It destroys almost all barriers. Justice can draw its sword in the time it takes an eye to scan an image. An image has no age, language or intelligence limits. "
-Mark M. Hancock
Photojournalism is not just about photography and journalism alone. It is deeper than the knee-high flood in a squatter's area dwelling around the city. It is more than the bunch of traffic jams around the metropolis.
Photojournalism is the very details of the sag face of an old woman figuring her way out of the flood over the trails of poverty at the edge of an uncompromising city. It is not just about the subject framed through the lenses of the cameras but about the edifying actions, still lives in every scenario and the life beyond every image captured.
Photojournalism is a factual art.
..a narration of millions of untold stories.
..a mirror beyond every visual spectrum that depicts reality.
..a medium that affects one's consciousness and a medium of awareness.
..an art not for an art's sake.
Photojournalism is much atypical than the customary portraits of the society, much distant from the images of neutrality and a genuine reflection of reality.
Photojournalism is a challenge. Like other forms of journalism, it sides with the truth and the people.
Thursday, July 17, 2008
Akala
Akala ko tama na ako, yun pala akala ko lang! eto, mali na naman!
haha..akala ko kasi ay ipepaste lang dito yung link for a song, hindi pala. Akala ko tama na ko sa mga pinaggagagawa ko, mali pala! Kailangan ko pa rin ng tulong!haha
akala' music ? parokya_ni_edgar_akala gJnsAzH_ 6Bm3yse people www.imeem.com http:>akala'>http://www.imeem.com/people/6Bm3yse/music/gJnsAzH_/parokya_ni_edgar_akala/">akala
Saturday, July 12, 2008
Nilugaw na lang Sana
From Globe:
Lunas sa krisis sa bigas!
Win 1 sack rice 2day+up to 5M sa jakpot!
Txt BIGAS to 2910 n get daily market tips.
P2.50/txt
DTI3278
NoFREEinfo?RplySTOP
Sender:
2977
Sent:
02:31:48pm
07.08.2008
Sa totoo lang, medyo nag-aalangan na akong ilathala pa ang lupon ng basurang ito. Hindi ko kasi kaagad nakalkal ang mensaheng ito sa telepono ko. Gayun din, sigurado naman kasi alam kong lahat tayo ang may nalalaman na tungkol sa usaping ito at alam ko din na lubha na tayong nabibingi sa paulit-ulit na kwento tungkol dito. Katulad ko, sawa ka na rin.
Siguro nga, lubha na ang kakulangan sa supply ng bigas sa bansa (o ng murang bigas na makakaya pang paghirapan ng karaniwang Pilipino?). Lubha na rin ang kahirapan at gutom na nararanasan ng karamihan. Kung sino pa ang mga nagpapakahirap magsaka ng lupang hindi naman sa kanila ay sila pa itong nagkukumahog sa pagpila upang makabili lang ng limitadong NFA rice na inaangkat pa natin sa ibang bansa. Sila itong walang makaing bigas. Sila itong salat sa produktong sila naman ang napapakahirap. Nakakalungkot. Tapos kung sino naman itong mga nakaupo sa lang sa kung saan lupalop, ay sila naman itong sagana at nagpapakabusog sa mga pagkain hindi naman sila ang nagtanim. Ang mas nakakalungkot pa nito, paulit-ulit na lang ang ganitong sistema at nananatili pa rin ito sa sirkulasyon ng kalagayan sa buhay ng mga Pilipino. Kumbaga sa damit, dapat dati pa lang ay nalaos na ang ganitong istilo ngunit hanggang ngayon ay nanatili pa rin itong uso at tila mas magtatagal pa ang pananatili nito.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa mga mensaheng tulad ng mga nauna pang mensahe na natanggap ko. Pati ba naman kasi bigas ay ginagawa ng papremyo. At ito pa, noong isang gabi lang habang nakasakay ako sa isang pampublikong sasakyan pauwi sa aking pansamantalang tinutuluyan ay nabigla ako sa aking narinig mula sa isang patalastas sa radyo. Isa na namang palaro na kung saan ay itetext mo lang daw ang isang keyword kalakip ang iyong pangalan, address at kung anu-ano pang tungkol sa sarili mo tapos may pagkakataon ka nang manalo ng hindi lang isa kundi apat yata o limang sako ng bigas. Isang sako para sa iyo at ang tira ay para naman daw sa mga kapitbahay mo. Ang galing di ba?
Bakit kasi kailangan pang ipain ang bigas para kumita lang. Nakakaasar! Parang isang sanngol lang na nagkakandaiyak na para sa gatas ngunit pilit namang inilalayo ito sa kanya. Sa halip na ibigay at mapunan ang gutom na nararanasan ng bata ay kailangan munang magclose-open para may mapagkatuwaan. Matapos nito, saka palang ibibigay ang kailangan ng bata. Oo, gusto nilang tumulong pero siguro naman hindi ito o may mas tama pang paraan para makatulong sa nangangailangan. Sana nilugaw na lang nila ang bigas para tipid na sa panggataong, tipid pa sa pang-ulam.
Wednesday, July 9, 2008
Pang-GAS naman
From Globe:
U myt WIN 100,000 CASH pang-GAS dis wk!
Txt TD to 2346
get FREE LAMPA (Clumsy pinoy version)
MP3 w/WklyMP3
P30/3x/wk
DTI3086
NoFREEinfo?RplySTOP
Sender:
2977
Sent:
01:38:51pm
07.09.2008
Nakatutuwa sapagkat halos isang araw na pala ang nakalipas nang natanggap ko ang mensaheng ito at halos isang araw na rin itong nakatambay sa telepono ko.
Mas nakatutuwa namang mabatid na mukhang updated na ang mensaheng tulad nito sa mga pambansang issue kahit bakas pa rin ang kagustuhang kumita sa likod ng mga ito.
Ganoon pa man, nakalulungkot pa rin dahil hindi lang isang araw ang nakalipas nang magsimula ang walang patid na pagtaas ng presyo ng kurudo .
Mas nakalulungkot naman sapagkat kasabay ng pagtaas ng presyo ng langis ay pagtaas din ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado na siya namang tila kabagliktaran sa nangyayari sa buhay ng mga Pilipino.
Mas tumataas lamang ang mga bayarin at tila hindi na mapipigilan.
Mas lumalakas lamang ang kalam ng mga nagugutom ng tiyan.
Mas nalulugmok lamang ang Pilipinas sa kahiran.
Kailan naman kaya mababaliktad ang ganitong kalagayan?
Sa loob ng isang araw, ano pa kaya ang ating kahihinatnan?
Tuesday, July 8, 2008
Pambayad Utang
From Globe:
Pambayad Utang!
U myt WIN P100,000 ds wk
w/ HotMMS! Txt HM
to 2346! May FREE
Sundalong Bata (CrankThat) tone pa! P20/wk
DTI3086
NoFREEinfo?RplySTOP
Sender:
2977
Sent:
12:38:35pm
07.02.2008
Gaano na nga kaya kabigat ang pinapasang utang ni Mang Juan at ganito na lang kalala ang mga nagsusulputang information/promotion messages mula sa mga higanteng kompanya ng komunikasyon sa bansa? Sa dinami-dami ng mga mapanghikayat na mga mensaheng katulad nito, minsan hindi ko na alam kung paniniwalaan ko pa ang mga ito at kung sa Globe nga talaga ito nanggaling. Hindi ko na rin tuloy malaman kung talagang bang may pag-asa pang maabot ang sinasabi nilang mundo.
Mahusay ang hangaring mapagaan ang naglalakihan at patuloy na lumalaking utang ng mga Pilipino dahil sa bugso ng nagtataasang bilihin at bayarin sa araw-araw, ngunit sa aking palagay, hindi naman yata tamang pati ang naturang pagtulong ay pagkakitaan.
Kung mapapansin, ang 20 pesos na halaga ng load na isusugal kada linggo para sa premyong maaaring mapanalunan with "FREE" na ringtone pa nga raw ay maaari nang magamit ng isang simpleng mamamayan para makabili ng kahit kalahating kilo ng bigas. Kung susumahin, aabot din ng 80 pesos ang magagasta sa loob ng isang buwan sa kada 20 pesos na mauubos kada linggo. At sa halagang ito, isa hanggang dalawang araw na rin ang maitatawid sa gutom ng isang Pinoy base na rin sa cost of living sa bawat araw na pinangangatawanan ng pamahalaan.
Sa totoo lang, hindi naman talaga libre ang "FREE tone" na pampalubag-loob sa mahiwagang palarong ito kung hindi mo mapapanalunan ang premyo sapagkat ito naman talaga ang binabayaran mo sa bawat 20pesos mo. At sa totoo rin lang, ang 100,000 pesos na pambayad-utang kuno ang tanging consolation prize dito - isang consolation prize na suntok pa sa buwan kung makukuha mo.
Sa halip na makaaahon pa sana si Mang Juan sa kumunoy ng pagkakautang, mas lalo lamang siyang bumibigat sa mga pasaning dala ng mga ganitong kabalintunaan. Ang pagtulong sa kapwa ay hindi dapat pinapatawan ng kahit anumang halaga bilang kapalit.
Ang pagtulong ay pagtulong, hindi isang sugal kung saan ang isang tao ay maaari pang malulong at tuluyan nang hindi makabangon.
Tuesday, July 1, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)